Droga: Salot sa Lipunan
Ang solusyon upang maiwasan ang problema ng lipunan sa ilegal na droga ay ang pag-iwas sa paggamit nito. Ang mga gumagamit ng droga ay kailangang mag-boluntaryong sumuko sa mga otoridad para makipag-tulungan na mahuli ang mga nagbebenta nito at sila ay mapagamot sa rehabilitasyon. Dahil ang pagiging adik ay isang malubhang sakit na sumisira sa kinabukasan, isip, at katawan ng tao.
Kailangan paigtingin ng gobyerno ang kampanya laban sa droga. Kailangan magpursigi ang mga otoridad sa paghuli ng mga nag-susupply ng droga sa bansa at nagbebenta nito sa lipunan.